PAMAHALAAN AT PRIBADONG SEKTOR, NAGKAISA PARA SA LABOR DAY JOB FAIR

MANILA — Sa pagdiriwang ng ika-123 Labor Day, nagsanib-puwersa ang Department of Migrant Workers (DMW), Robinsons Malls, 11 lisensyadong recruitment agencies, at iba pang ahensya ng gobyerno upang magsagawa ng job fair para sa overseas employment noong Mayo 1, 2025 sa Robinsons Galleria.
Mahigit 4,700 overseas job orders mula sa walong land-based at tatlong manning agencies ang handog ng job fair para sa mga Pilipinong naghahanap ng ligtas, legal, at maayos na trabaho sa ibang bansa. Ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Leo J. Cacdac, “Gustong-gusto ng ating mahal na Pangulo na maramdaman ninyo ang serbisyo ng pamahalaan. Inilalapit namin ang serbisyo ng pamahalaan at mga land-based recruitment agencies and manning agencies sa inyo.”
Binigyang-diin ni Undersecretary Felicitas Q. Bay na lahat ng recruitment agencies sa job fair ay
lehitimong rehistrado sa DMW. Dagdag pa ni Assistant Secretary Levinson Alcantara, ginagamit na rin ang online pre-registration at QR code scanning upang mapabilis at masigurong ligtas ang proseso para sa mga aplikante.
Nagpahayag din ng suporta si Robinsons Malls Senior Marketing Director Jess Zulueta III:
“Kailangan po tumulong ang Robinsons sa nation-building. We want to help address employment and champion against illegal recruitment. We are proud to support the DMW.”
Ibinahagi naman ni OF Bank President and CEO Elcid Pangilinan na patuloy ang kanilang suporta
sa OFWs sa pamamagitan ng ligtas at abot-kayang serbisyong pinansyal para sa kanilang mga pamilya.
Sa pagtatapos ng programa, muling pinuri ni Secretary Cacdac ang husay ng manggagawang
Pilipino: “Nanalig kami sa kakayanan ng manggagawang Filipino. Sa mga pagpupulong sa ibang bansa, ang unang sinasabi ng mga head of state ay, ‘Thank you for your Filipino workers.’ We are proud of them—they help our country, and they are helping the world.”
Related
Related
From the Archives
Watch our previous Bantay OCW episodes
All Rights Reserved 2025 © OFNMedia.net