DA Magbebenta ng Bigas na ₱20 Kada Kilo para sa OFWs at Pamilya Nila

Ang Department of Agriculture (DA), kasama ang Department of Migrant Workers (DMW), ay magbebenta ng bigas na ₱20 kada kilo para sa mga overseas Filipino workers (OFWs) at kanilang mga pamilya. Makukuha ito sa KADIWA ng Pangulo outlet sa DMW Central Office sa Mandaluyong City.

Ang programang ito ay pagtupad sa pangako ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gawing abot-kaya ang mga pangunahing bilihin at bigyan ng tamang kita ang mga magsasaka. Bahagi ito ng mas malawak na hakbang ng gobyerno para tulungan ang mga mamimiling Pilipino at lokal na mga magsasaka sa ilalim ng kampanyang Bagong Pilipinas.

Ayon kay kay DMW Secretary Hans Leo J. Cacdac Pinahahalagahan ni President Marcos Jr. ang ating mga OFW, na tinuturing na mga bagong bayani. Ang effort ng gobyerno para gawing abot-kaya ang bigas ay nararamdaman na rin ng mga OFW at pamilya nila.

Ang KADIWA program, na pinangungunahan ng DA, ay layuning i-connect ang mga mamimili sa murang at dekalidad na produkto, at tulungan din ang mga magsasaka, mangingisda, at maliliit na negosyo na makabenta nang direkta sa merkado. Pinapaalalahanan ang mga mamimili na sumunod sa mga patakaran sa pagbili para mas maraming pamilyang makinabang.

Bukod sa murang bigas, nagtutulungan din ang DMW at DA para suportahan ang mga OFW na gustong pasukin ang agrikultura bilang negosyo. Sa ilalim ng national reintegration program, mabibigyan ng training at business support ang mga gustong maging “agri-preneur” na OFW.

Ayon pa din kay Cacdac, ang pagsasaka ay magandang oportunidad para sa mga OFW na gustong magnegosyo at mamuhunan. Ang DMW ay katuwang ng DA para suportahan sila at i-promote ang agribusiness bilang isang sustainable na kabuhayan sa kanilang pagbalik.

Related

OFW na May Cervical Cancer, Nagpasalamat sa DMW sa...
Anak ng OFW na Namatay sa NAIA Car-Ramming...
DA Magbebenta ng Bigas na ₱20 Kada Kilo para sa...
DMW Assures Support to OFW After NAIA Car-Ramming...
DMW Chief Visits Wake of OFW’s Child Killed in...
DMW Nagbabala: Iwasan ang Pekeng Overseas Job...

Related

OFW na May Cervical Cancer, Nagpasalamat sa DMW sa...
Anak ng OFW na Namatay sa NAIA Car-Ramming...
DA Magbebenta ng Bigas na ₱20 Kada Kilo para sa...
DMW Assures Support to OFW After NAIA Car-Ramming...
DMW Chief Visits Wake of OFW’s Child Killed in...
DMW Nagbabala: Iwasan ang Pekeng Overseas Job...

From the Archives

Watch our previous Bantay OCW episodes

OFW na May Cervical Cancer, Nagpasalamat sa DMW sa Tulong at...
Anak ng OFW na Namatay sa NAIA Car-Ramming, Inilibing sa Lipa LIPA...
DA Magbebenta ng Bigas na ₱20 Kada Kilo para sa OFWs at Pamilya Nila...
DMW Assures Support to OFW After NAIA Car-Ramming Kills Daughter...
Please enable JavaScript in your browser to complete this form.
Please enable JavaScript in your browser to complete this form.

All Rights Reserved 2025 © OFNMedia.net