Mga Pinoy Runaway sa Saudi: Gamitin ang Grace Period Para Ayusin ang Status

MANILA, Philippines — Nanawagan ang Department of Migrant Workers (DMW) sa mga runaway o undocumented na domestic workers sa Saudi Arabia na samantalahin ang anim na buwang palugit (grace period) na ibinigay ng gobyerno ng Saudi para ayusin ang kanilang legal status — walang parusa o penalty.
Ang grace period ay mula May 11 hanggang November 10, 2025, at maaaring gamitin para i-update ang status sa pamamagitan ng Musaned, ang opisyal na platform ng Saudi Ministry of Human Resources and Social Development (HRSD) para sa household workers.
“We urged our kababayans, our domestic workers in Saudi with irregular status to take advantage of this opportunity to correct their legal status. Seek the assistance of our Migrant Workers Office in Riyadh, Jeddah, and Al Khobar for support,” sabi ni Secretary Hans Leo J. Cacdac.
Ang hakbang na ito ay alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyakin ang kaligtasan at kapakanan ng mga overseas Filipino workers (OFWs) at itaguyod ang ligtas at maayos na labor migration.
Ayon sa DMW, may mahigit 100 runaway domestic workers sa Riyadh at Jeddah, at nasa 50 sa Al Khobar. Karamihan sa kanila ay may exit visa na at hinihintay na lang ang kanilang flight tickets mula sa agency at OWWA para sa kanilang agarang repatriation.
Ayon kay Secretary Cacdac, bahagi ito ng mas malawak na reporma ng HRSD sa Saudi na layuning gawing mas patas at ligtas ang labor market.
Noong unang linggo ng Mayo, pinangunahan ni Undersecretary Jun Rasul ang isang team mula DMW na bumisita sa MWOs sa Saudi para personal na tingnan ang kalagayan ng mga OFWs at i-follow up ang mga kasong hawak ng Assistance to Nationals Units (ATN) kasama ang mga legal retainer at in-house lawyers.
Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng DMW sa gobyerno ng Saudi para matiyak ang proteksyon at kapakanan ng mga OFWs sa Kingdom.
Related
Related
From the Archives
Watch our previous Bantay OCW episodes
All Rights Reserved 2025 © OFNMedia.net