Anak ng OFW na Namatay sa NAIA Car-Ramming, Inilibing sa Lipa

LIPA CITY, BATANGAS — Inilibing nitong Mayo 11 sa Eternal Gardens, Lipa City ang apat na taong gulang na anak ni OFW Danmark Masongsong, na nasawi sa car-ramming incident sa NAIA Terminal 1 noong Mayo 4.

Bilang pagtugon sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tulungan ang pamilya ng biktima, dumalo sina Migrant Workers Secretary Hans Leo J. Cacdac at OWWA Administrator Arnell Ignacio upang makiramay. Kasama rin nila sina DMW Region IV-A Director April Casabuena, NCR Director Falconi Millar, at OWWA Deputy Director Honey Quiño.

Si Malia Kates Yuchen ay nag-iisang anak nina Danmark, isang OFW sa Czech Republic, at Cynthia Masongsong, na ngayon ay nakalabas na sa ospital matapos magtamo ng malubhang pinsala mula sa aksidente.

Sa kanyang mensahe, humingi ng tawad si Danmark sa kanyang anak dahil hindi siya nakasama noong mangyari ang insidente. Ayon sa kanya, nakiusap pa si Malia na huwag siyang umalis noon.

Nagbigay ng karagdagang tulong pinansyal ang DMW at OWWA sa pamilya, bukod pa sa naunang suporta. Tiniyak din ni Secretary Cacdac na magpapatuloy ang tulong ng gobyerno, kabilang na ang psychological at emotional support mula sa mga assigned nurses at social workers — alinsunod sa direktiba ng Pangulo.

Related

War—How Does It Affect Us All?...
“Healing from Within: Identifying Trauma in...
“Healing from Within: Identifying Trauma in...

Related

War—How Does It Affect Us All?...
“Healing from Within: Identifying Trauma in...
“Healing from Within: Identifying Trauma in...

From the Archives

Watch our previous Bantay OCW episodes

War—How Does It Affect Us All? https://youtu.be/sdpot1Vcun0...
“Healing from Within: Identifying Trauma in Ourselves”...
“Healing from Within: Identifying Trauma in Ourselves”...
“Love in Action: Jehovah’s Witnesses’ Role in Disaster Relief”...

All Rights Reserved 2025 © OFNMedia.net