DMW Nagbabala: Iwasan ang Pekeng Overseas Job Offer Gamit ang 'Missionary' o Tourist Visa

MANILA, Philippines — Naglabas ng babala si Department of Migrant Workers (DMW) 

Secretary Hans Leo J. Cacdac laban sa mga lumalaganap na iligal na recruitment na gumagamit ng “missionary” o tourist visa bilang front para sa pekeng overseas job offers.

Ayon kay Secretary Cacdac, may isa nang kasong isinampa sa Department of Justice (DOJ) kaugnay ng ganitong modus. Ang mga biktima ay pinapangakuang may trabaho sa ibang bansa, pero ipinaalis gamit lang ang tourist visa at walang kaukulang dokumento o kontrata. Pagdating sa ibang bansa—walang trabaho, walang proteksyon, at kadalasang nagiging TNT o tago nang tago.

“Missionary daw, pero trabaho pala ang alok. Ang ending—TNT at walang legal na proteksyon,” ayon kay Cacdac. Idinagdag niyang aktibo ang ganitong modus sa Southeast Asia, partikular sa Myanmar, Laos, at Cambodia, gamit ang Thailand at Malaysia bilang entry point.

Ito ang mga babala o red flag na dapat tandaan:

  • Walang lisensya ang recruiter
  • Alok ng trabaho pero tourist visa ang ibinibigay
  • Walang valid na work visa
  • Pawang verbal lamang ang kasunduan at soft copies lang ng dokumento ang binibigay
  • Peke o walang malinaw na dokumentasyon

 

Paalala ni Secretary Cacdac: “Tandaan po natin—kung trabaho ang pakay, dapat may  lisensyadong recruiter at work visa, hindi tourist visa. Hindi po online recruiter at hindi din ‘missionary’ kuno ang tamang daan para sa trabaho abroad.”

Related

Father time affects us all and, eventually, there...
Can we really live on a paradise earth forever?...
As wars, disasters, and soaring living costs make...

Related

Father time affects us all and, eventually, there...
Can we really live on a paradise earth forever?...
As wars, disasters, and soaring living costs make...

From the Archives

Watch our previous Bantay OCW episodes

Can we really live on a paradise earth forever? Join Ms. Susan K...
As wars, disasters, and soaring living costs make the future feel...
Every collaboration needs three essentials: ideas, values, and...
Online scams are putting our kababayans at risk. Studies show that in...