OFW na May Cervical Cancer, Nagpasalamat sa DMW sa Tulong at Pagpapauwi

San Fernando, Pampanga — Nagpasalamat si OFW Catherine Pamatian kay Migrant Workers Secretary Hans Leo J. Cacdac sa mabilis na tulong sa kanyang pagpapauwi at patuloy na suporta sa kanyang gamutan matapos siyang ma-diagnose na may cervical cancer.

Si Pamatian ay isang domestic worker sa Kuwait mula pa noong May 2017. Hindi niya natapos ang huling kontrata dahil sa kanyang sakit. Pinayagan siya ng kanyang employer na umuwi sa Pilipinas noong May 10, 2025 para magpagamot agad.

Sa ngayon, siya ay naka-confine sa OFW Hospital sa San Fernando, Pampanga para sa kanyang gamutan.

Ang Department of Migrant Workers (DMW) ang tumulong sa kanyang repatriation at patuloy ang suporta sa kanyang medical needs bilang bahagi ng kanilang tungkulin na tulungan ang mga OFW na nasa mahirap na sitwasyon.

Related

Father time affects us all and, eventually, there...
Can we really live on a paradise earth forever?...
As wars, disasters, and soaring living costs make...

Related

Father time affects us all and, eventually, there...
Can we really live on a paradise earth forever?...
As wars, disasters, and soaring living costs make...

From the Archives

Watch our previous Bantay OCW episodes

Can we really live on a paradise earth forever? Join Ms. Susan K...
As wars, disasters, and soaring living costs make the future feel...
Every collaboration needs three essentials: ideas, values, and...
Online scams are putting our kababayans at risk. Studies show that in...